Libo-libong motorista at pasahero mula sa Calabarzon at Timog Metro Manila ang na-late sa trabaho, klase at appointment dahil sa matinding traffic sa mahabang bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) ngayon umaga.
Hanggang alas-9:52 ngayon umaga, ang mabigat na trapiko sa northbound portion ng SLEX, mula Alabang Viaduct sa Muntinklupa City, ay may haba ng 16 kilometro.
Ito ay tinataya na hanggang sa Sta. Rosa Toll Plaza.
Samantala, sa southbound portion naman ay naging sobrang bagal din ng daloy ng mga sasakyan hanggang alas-9 ng umaga sa Sta. Rosa Toll Plaza at ang buntot ng trapiko ay nasa layong 2.4 kilometro.
Kanya-kanya ng social media post ang mga motorista at pasahero na naipit sa mabigat na trapiko sa SLEX.
May ulat na may bahagi ng expressway ang binaha dahil sa magdamag na pag-ulan.
Motorists and commuters were stuck for hours in traffic along the South Luzon Expressway (SLEX) on Thursday, July 13, as heavy rains flooded portions of the road particularly the Bicutan area.
An advisory issued by SLEX-MaTES as of 8:27 a.m., which operates SLEX, stated that the tail-end of the northbound traffic from Alabang viaduct in Muntinlupa is 15.6 km. while the southbound portion is 1.8 km.