SLEX traffic umabot na ng 16 kilometro ang haba

By Jan Escosio July 13, 2023 - 10:15 AM

TOPGEARPH PHOTO

Libo-libong motorista at pasahero  mula sa Calabarzon at Timog Metro Manila ang na-late sa trabaho, klase at appointment dahil sa matinding traffic sa mahabang bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) ngayon umaga.

Hanggang alas-9:52 ngayon umaga, ang mabigat na trapiko sa northbound portion ng SLEX, mula Alabang Viaduct sa Muntinklupa City, ay may haba ng 16 kilometro.

Ito ay tinataya na hanggang sa Sta. Rosa Toll Plaza.

Samantala, sa southbound portion naman ay naging sobrang bagal din ng daloy ng mga sasakyan hanggang alas-9 ng umaga sa Sta. Rosa Toll Plaza at ang buntot ng trapiko ay nasa layong 2.4 kilometro.

Kanya-kanya ng social media post ang mga motorista at pasahero na naipit sa mabigat na trapiko sa SLEX.

May ulat na may bahagi ng expressway ang binaha dahil sa magdamag na pag-ulan.

 

 

Motorists and commuters were stuck for hours in traffic along the South Luzon Expressway (SLEX) on Thursday, July 13, as heavy rains flooded portions of the road particularly the Bicutan area. 

An advisory issued by SLEX-MaTES as of 8:27 a.m., which operates SLEX, stated that the tail-end of the northbound traffic from Alabang viaduct in Muntinlupa is 15.6 km. while the southbound portion is 1.8 km. 

TAGS: baha, SLex, traffic, baha, SLex, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.