Pag-ulan magpapatuloy dahil sa LPA at habagat

By Jan Escosio July 13, 2023 - 08:34 AM
Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulohg at pagkidlat ang kabuuan ng Luzon, kasama na ang Metro Manila, ngayon araw. Sa 4am bulletin ng PAGASA, katulad na panahon din ang mararanasan sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa PAGASA ito ay dahil sa habagat at low pressure area, na huling namataan sa distansiyang 295 kilometro Silangan ng Infanta, Quezon. Nagbabala ang ahensiya sa posibilidad ng flash floods at lanslides kung malakas ang buhos ng ulan. Samantala, magiging maulap naman na may kalat-kalat na pag-ulan sa Davao Region at SOCCSKSARGEN dahil na rin sa habagat.

TAGS: habagat, LPA, Pagasa, habagat, LPA, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.