Hindi pinalagpas at ikinagalit ng husto ni Deputy Majority Leader JV Ejercito ang viral video ng pambabastos ng isang “drag queen” sa awiting “Ama Namin.”
Napabilang si Ejercito sa mga debotong Katoliko na naglabas ng kanilang galit sa pagsasayaw at pagkanta ni Pura Luka Vega sa kanyang bersyon ng “Ama Namin.”
Nakadagdag sa galit kay Vega ang kasuotan nito na pang-Itim na Nazareno.
Itinuring ng senador na pag-atake sa kanyang pananampalataya ang ginawa ni Vega.
Pinaniniwalaan na kuha sa loob ng isang bar ang viral video at mapapanood din na marami sa mga nakapaligid kay Vega ay tuwang-tuwa sa ginagawa nito.
Ikinukunsidera ni Ejercito ang pagpapa-imbestiga sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES