Zubiri: Maharlika Investment Fund bill pipirmahan ni PBBM Jr., sa Hulyo 18

SENATE PRIB PHOTO

Anim na araw bago ang kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA), pipirmahan na ni Pangulong Marcos Jr.,upang maging ganap na maging batas ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Ito ang ibinahagi ni iSenate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at aniya kasabay na pipirmahan ng Punong Ehekutibo ang panukalang pagpapalawig sa Estate Tax Amnesty.

Layon ng MIF na magkaroon ng ambagan ang ilang ahensiya ng gobyerno para sa mga proyekto at programa na sinasabing mapapagkitaan para sa karagdagang pondo ng gobyerno.

Maging ang pribadong sektor ay maaring maglagak ng pera sa naturang pondo.

Unang sinertipikahan ng Malakanyang ang naturang batas bilang “urgent measure.”

May mga panawagan kay Pangulong Marcos Jr., na i-veto ang panukala para mas mapag-aralan ng husto.

 

Read more...