Ibinahagi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na umabot sa P70 bilyon ang halaga ng investments mula sa tatlong linggong roadshow sa Europe.
Pagbabahagi ni Pascual nasa 48 na potential investments ang kanilang nakuha at 16 kompaniya ang nagsabi nang maglalagak ng negosyo sa Pilipinas.
Anim sa mga ito ay nasa renewable energy, anim sa information technology-business process management, dalawa sa manufacturing, tig-isa naman sa construction at acquisition.
Aabot aniya ito sa 4,300 na trabaho ang inaasahang malilikha ng mga bubuksang negosyo.
Paliwanag ng kalihim pangunahing layon ng road show ang makahikayat ng mga negosyante lalo na ang mga nasa sektor ng manufacturing, high-value services, renewable energy, research at development.
Dagdag pa nito, target din ng kanilang hanay na makapaglatag ng strategic partnerships at collaboration sa European government.