P70-B investments nasungkit ng Pilipinas sa Europe

By Chona Yu July 12, 2023 - 05:30 PM

Ibinahagi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na umabot sa P70 bilyon ang halaga ng investments mula sa tatlong linggong roadshow sa Europe.

Pagbabahagi ni Pascual nasa 48 na potential investments ang kanilang nakuha at 16 kompaniya ang  nagsabi nang maglalagak ng negosyo sa Pilipinas.

Anim sa mga ito ay nasa renewable energy, anim sa information technology-business process management, dalawa sa manufacturing, tig-isa naman  sa construction at acquisition.

Aabot aniya ito sa 4,300 na trabaho ang inaasahang malilikha ng mga bubuksang negosyo.

Paliwanag ng kalihim pangunahing layon ng road show ang makahikayat ng mga negosyante lalo na ang mga nasa sektor ng manufacturing, high-value services, renewable energy, research at development.

Dagdag pa nito, target din ng kanilang hanay na makapaglatag ng strategic partnerships at collaboration sa European government.

TAGS: dti, foreign, Investment, dti, foreign, Investment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.