Sen. Grace Poe suportado ang pagpayag ng MTRCB na maipalabas ang pelikulang ‘Barbie’
Hindi nakitaan ni Senator Grace Poe ng anumang paglabag sa “freedom of expression” ang pelikulang ‘Barbie.”
Kayat suportado ni Poe ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipalabas ng buo ang naturang pelikula.
Ilang opisyal ang hiniling sa MTRCB na huwag hayaan na maipalabas sa bansa ang naturang pelikula dahil sa naipakita ang 9-dash line na itinakda ng China sa South China Sea kasabay nang patuloy na pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas.
Kalokohan, ayon pa kay Poe, ang suhestiyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na i-“blur” o palabuin na lamang ang kinukuwestiyong bahagi ng pelikula.
Dating pinamunuan ni Poe ang MTRCB at sang-ayon aniya siya sa naging desisyon ng ahensiya.
Una nang ipinagbawal sa Vietnam ang naturang pelikula dahil sa nabanggit na isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.