$88.4-M katas ng foreign trips ni Pangulong Marcos Jr., gumagana na
Nasa US $ 88.4 milyong dolyar halaga ng pamumuhunan mula sa mga foreign trip ni Pangulong Marcos Jr. ang napapakinabangan na.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Trade Sec. Alfredo Pascual na hanggang noong nakaraang buwan nasa P4.68 bilyong halaga ng pagnenegosyo ang pumasok na sa Pilipinas.
Anim na banyagang kompanya aniya ang nagsimula nang mag operate sa bansa at nakalikha ng higit t 4,000.
Nasa US $ 70 bilyong halaga pa ng negosyo naman ang pinagpaplanuhan na.
Pangako ni Pascual, marami pang mga dayuhang negosyante ang maglalagak ng negosyo sa Pilipinas dahil nabago na ang ihip ng hangin dahil sa mga reporma na ipinatupad ni Pangulong Marcos Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.