Inanunsiyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos na 3.3 Bilyon beses nabanggit sa social media ang #mmshakedrill.
Ayon kay Carlos nangangahulugan ito na marami na sa ating kababayan ang nakakaalam sa earthquake drill kaya’t marami na ang nakakaalam sa mga dapat gawin ng ating mga kababayan…ang duck, cover and hold.
Samantala, sinabi naman ni MMDA Spokesperson Goddess Hope Libiran na nalagpasan na ang 6.5 Milyon na nakilahok sa naunang shake drill noong nakaraang taon.
Aniya ang mas higit na malaki ang bilang ng mga nakilahok sa drill kanina ay dahil sa pakikibahagi ng mga residente sa Central Luzon at Calabarzon areas.
Nakiisa rin sa metro shake drill ang mga kawani ng pamahalaan pati na rin ang mga pribadong kumpanya sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.