Aurora Vice Gov. Gerardo Noveras diniskuwalipika ng Comelec dahil sa paglabag sa Election Code

By Jan Escosio July 12, 2023 - 08:21 AM

FILE PHOTO

Itinuturing na nakamit ang hustisya ng pinaslang na dating Aurora Board Member Narciso Amansec sa naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na idiskuwalipika si Aurora Vice Governor Gerardo Noveras.

Sa 29-pahinang resolusyon ng Comelec 1st Division, nabigyan diin na matibay ang mga ebidensiya na iprinisinta ni Amansec laban kay Noveras sa reklamong paglabag ng huli sa Omnibus Election Code.

“Whrefore, premises considered, the Commission (First Division) hereby resolves to grant the instant petition. Respondent Gerardo “Jerry” Noveras is disqualified,” ayon sa resolusyon,  na inakda ni 1st Division Presiding Officer Socorro Inting.

Sinuportahan naman nina Comms. Aimee Ferolino at Ernesto Ferdinand Maceda Jr., ang naturang resolusyon.

Matatandaan na ilang araw bago ang eleksyon noong nakaraang taon, inireklamo ni Amansec si Noveras, na noon ay ang gobernador ng lalawigan, ng paggamit ng kanyang posisyon para isulong ang kanyang kandidatura at kampaniya.

Sa video, na ginamit na ebidensiya, naaktuhan ni Amansec ang pag-imprenta ng campaign materials ni Noveras sa Aurora Training Center compound.

Noong nakaraang Oktubre 3, tinambangan at napatay si Amansec at nadamay ang kanyang maybahay na si Merlina at kanilang driver sa Barangay Dibatunan sa bayan ng Dipaculao.

Sa inilabas na resolusyon ng Comelec First Division, napatunayang ginamit ni Noveras ang kanyang kapangyarihan bilang gobernador para inpluwensyahan at utusan ang kanyang tauhan sa provincial government na gamitin ang government property at pondo para sa kanyang kampanya.

 

 

 

TAGS: Aurora, comelec, disqualification, Omnibus election code, Aurora, comelec, disqualification, Omnibus election code

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.