PCG gigisahin sa budget deliberation sa Senado dahil sa bulletproof SUV

By Jan Escosio July 11, 2023 - 03:31 PM

Tiniyak ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na kukuwestiyonin niya ang pagbili ng  Philippine Coast Guard (PCG) pagsapit ng deliberasyon ng 2024 budget ng mga ahensiya ng gobyerno.

“We will question (them) during the budget season,” pahayag ni Pimentel.

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara na dapat ay batid ng PCG ang mga polisiya ng gobyerno ukol sa pagbili ng mga gamit.

“They should have been aware about administrative issuance and government policies in buying vehicles,” sabi ni Angara.

Dagdag pa ng senador trabaho ng mga abogado ng mga ahensiya na alamin ang mga polisiya ng gobyerno.

Unang pinuna ng  Commission on Audit (COA), ang pagbili ng PCG ng luxury bulletproof sports utility vehicle (SUV) sa halagang P7.8 milyon noong nakaraang taon na paglabag sa Administrative Order (AO) No. 14.

 

 

TAGS: COA, PCG, suv, COA, PCG, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.