PNP crime laboratory busy sa mga napatay na drug personalities

By Ruel Perez June 22, 2016 - 04:58 PM

SOCO
Inquirer file photo

Aminado ang PNP Crime Lab na naging abala sila mula noong May 10 hanggang sa kasalukuyan.

Kasunod umano ito ng halos araw- araw na pagkaka-neutralized sa  mga illegal drugs suspect bunsod na rin ng pinaigting na mga anti-drug operation sa ibat- ibang panig ng bansa.

Ayon kay PNP Crime Laboratory Director C/Supt. Manuel Aranas, kulang na sila kung tutuusin ng mga tauhan dahil bukod sa kaso ng mga napapatay na drug traders, abala din sila sa iba pang kaso na kailangan nilang suriin

Ani Aranas, sa kasalukuyan nasa mahigit 1,300 lamang ang kanilang  puwersa sa buong Pilipinas.

Pero pagpasok umano ng Duterte administration, kakailanganin na nila ng dagdag na tao partikular ng SOCO o Scene of the Crime Operatives na siyang first responder sa tuwing may bumubulagtang drug suspek na nanlalaban sa mga anti- illegal drug operating units ng PNP.

TAGS: crime lab, Illegal Drugs, PNP, crime lab, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.