Pagbibigay ng insentibo sa pagtitipid ng tubig binuksan ni Legarda
By Jan Escosio July 11, 2023 - 03:15 PM
Ipinakukunsidera ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa gobyerno ang pagbibigay ng insentibo sa mga mamamayan na tutugon sa panawagang magtipid ng tubig lalo na ngayong nararanasan ang El Niño.
Sinabi ni Legarda na kailangang magtipid ang publiko ng paggamit ng tubig lalo’t sa ulat ay bumababa ang water level sa Angat Dam.
Binigyang-diin ng senadora na kailangan ng agarang aksyon at tiyaking tama ang paggamit ng tubig dahil sa nararanasang El Niño na tatagal hanggang sa mga susunod na buwan.
Nanawagan din ang senadora sa mga ahensiya ng gobyerno na pangunahan ang mga aksyon para mabawasan ang epekto ng El Niño.
Dagdag pa ni Legarda na dapat ay samantalahin ang pagbuhos ng ulan at kolektahin ang tubig na maaaring gamitin pandilig sa mga halaman at pang flush sa mga toilet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.