PNP 100 percent nang handa sa SONA ni Pangulong Marcos

One hundred percent nang handa ang Philippine National Police para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 24.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PNP Spokesman Colonel Redrico Maranan, may template na aniya ang pambansang pulisya para sa paglalatag ng seguridad sa SONA.

May mga minor adjustment na lamang aniya na ginagawa ang PNP depende sa threat assessment.

Pagtitiyak ni Maranan, may sapat na bilang ng mga pulis na magbabantay sa SONA ng Pangulo.

Una nang sinabi ng PNP na may 5,000 pulis ang ipakakalat sa SONA ng Pangulo.

Read more...