Pagpapahinto ng POGOs nasa kamay ng Malakanyang – Win

By Jan Escosio July 11, 2023 - 12:59 PM
Itinuro ni Senator Sherwin  Gatchalian ang Malakanyang kung nanaisin ang agarang pagpapahinto ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).   Ayon kay Gatchalian kung ipag-uutos lang ni Pangulong Marcos Jr., ay maaring agad matuldukan na ang POGOs.   Pagbabahagi ng senador, nang magkita sila ni Pangulong Marcos Jr., ay sandali nilang napag-usapan ang mga isyu na bumabalot sa POGOs.   Aniya kapansin-pansin ang pagkabahala ng Punong Ehekutibo ukol sa mga krimen na isinasangkot sa operasyon ng POGOs sa bansa.   Sinabi pa ni Gatchalian na diretsahan niyang tiniyak kay Pangulong Marcos Jr., na hindi maaapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas kung matitigil ang operasyon ng POGOs.   Nabanggit din ng namumuno sa Senate Committee on Ways and Means na maging ang economic managers ay tutol sa operasyon sa POGOs sa paniniwalang maliit ang ambag nito sa kaban ng bayan.

TAGS: crime, pagcor, POGOs, crime, pagcor, POGOs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.