Mga mangingisda sa Kalayaan Island, inayudahan ng PCG

 

 

Tuloy ang pagbibigay ng ayuda ng Philippine Coast Guard sa mga mangingisda sa Kalayaan Island Group.

Dalawang 20-foot fiber-reinforced plastic boats, dalawang marine engine (diesel), underwater fittings, 20 PVC black pipes, ropes, at nylon ang ibinigay ng PCG sa mga mangingisda.

Nakipagpulong din ang mga tauhan ng PCG sa mga crew ng  BRP Francisco Dagohoy, Philippine Navy, at Philippine Marine Corps personnel na nakatalaga sa Likas Island, Parola Island, at Pag-asa Island para personal na alamin kung ano ang mga pangangailangan ng mga ito.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, tinulungan ng PCG ang DA-BFAR sa pagdadala ng ₱5 milyong halaga ng equipment at capacity-building programs sa mga mangingisda sa Pag-asa Island.

Sabi ng DA-BFAR, tulong ito para mapalakas ang ang pwersa ng mga mangingisda na nagtutungo sa West Philippine Sea.

 

Read more...