Tatlong volcanic earthquake 511 na rockfall events at 38 pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naging mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.4 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava mula sa Baasud Gully hanggang 4 kilometro mula sa crater ang naging aktibidad ng bulkan.
Nasa 721 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 800 metro ang taas ng plume. Naging katamtaman ang pagsingaw nito at napadpad sa timog-timog-kanluran at timog-kanluran.
Namamaga ang bulkan at nanatili ito sa Alert Level 3.
READ NEXT
MWSS: Why is La Mesa Dam exclusive to Manila Water and not shared with Maynilad?—SHARP EDGES by JAKE. MADERAZO
MOST READ
LATEST STORIES