Llorente, Eastern Samar niyanig ng 5.0 magnitude na lindol
Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang Llorente, Eastern Samar ng 9:00 kagabi, Hulyo 10.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 32 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Balangkayan, Hernani, at Llorente sa Eastern Samar.
Naramdaman naman ang Intensity IV sa Borongan City, General Macarthur, Lawaan, Maydolong, Salcedo at San Julian sa Eastern Samar; sa Dulag, Palo, Tanauan, Tolosa, at Tacloban City sa Leyte at sa Marabut, Samar.
Naramdaman ang Intensity III sa Can-Avid, Guiuan, Sulat, at Taft sa Eastern Samar; Abuyog, Alangalang,
Babatngon, Burauen, Dagami, Mayorga, Pastrana, Santa Fe, at Tabontabon sa Leyte;
Basey, Calbiga, City of Catbalogan, Motiong, Pinabacdao, atSanta Rita sa Samar.
Naramdaman ang Intensity II sa Arteche, Dolores, Oras, at San Policarpo sa Eastern Samar; Barugo,
City of Baybay, Capoocan, Carigara, Jaro, Leyte, at San Miguel sa Leyte.
Asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.
Wala namang naitalang nasirang ari-arian matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.