Sec. Gazmin handa nang bumalik sa pribadong buhay

By Ruel Perez June 22, 2016 - 03:56 PM

gazmin
Inquirer file photo

Pormal ng magpaalam sa kanyang mga sundalo si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa Biyernes bago tuluyang bumaba sa pwesto sa June 30.

Nakatakdang bisitahin ni Gazmin ang mga sundalo ng Philippine Army na naghanda naman ng kanilang testimonial review na gaganapin sa ROTC Hunters Guerilla Field/HPA Parade Ground bilang pagpupugay sa kalihim

Dadaluhan ang nasabing seremonya ni Philippine Army Commander Lt. Gen. Eduardo Año kasama ang kanyang mga staff at mga opisyal

Si Gazmin ang ika-40 na Commanding General ng Philippine Army at naging pinuno rin ng Presidential Security Group noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.

Nang makulong sa Laur Nueva Ecija si dating Sen. Ninoy Aquino ay isa rin si Gazmin sa mga naging bantay nito noong panahon ng Martial Law.

Si Gazmin ang first choice ni Pangulong Noynoy Aquino sa DND na kanyang pinamunuan mula noong July 2010.

TAGS: Aquino, Army, DND, Gazmin, PSG, Aquino, Army, DND, Gazmin, PSG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.