Go sa Maynilad, Manila Water: Sulitin ang bayad ng konsyumer!

By Jan Escosio July 11, 2023 - 05:45 AM
Nagpa-alaala si Senator Christopher Go sa Manila Water at Maynilad na suklian ng mahusay na serbisyo ang ibinabayad sa kanila ng konsyumer. Kasunod ito nang mararanasang water service interruption ng higit kalahating milyong konsyumer dahil sa pagbabawas ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila. Ayon kay Go dapat ay pinag-aaralan na ng water distributors ang lahat ng mga maaring dumating na hamon sa kanilang serbisyo, kabilang na ang pagkawala o pagbawas ng suplay ng tubig. Binanggit pa nito na noong panahon ni dating Pangulong Duterte, nang mawalan ng tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila, ipinag-utos nito na gumawa ng paraan at agad na naibalik ang suplay ng tubig. Dagdag pa ng senador kaya isinapribado ang distribusyon ng tubig ay upang gumanda ang serbisyo kapalit ng maayos na pagbabayad ng konsyumer.

TAGS: manila water, maynilad, manila water, maynilad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.