Bawas presyo sa gasolina, halaga ng krudo, kerosene tataas

By Jan Escosio July 10, 2023 - 07:04 PM

Sa ikalawang sunod na linggo ay mababawasan ang presyo ng gasolina, ngunit madadagdagan naman ang halaga ng krudo at kerosene bukas.

Sa mga inilabas na abiso ng mga kompaniya ng mga produktong-petrolyo, P0.20 ang mababawas sa halaga ng kada litro ng gasolina.

Samantala, tataas naman ng P0.75 at P0.50 ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Ang paggalaw sa mga presyo ay bunga ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, gayundin ng pagbabawas ng produksyon sa langis ng Saudi Arabia.

Magsisimula ang paggalaw ng mga presyo ala-6 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

 

 

TAGS: oil price, rollback, taas presyo, oil price, rollback, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.