Ayuda ng Taguig LGU ibabahagi sa “ibinigay” na dagdag barangays mula Makati City
Sisimulan na ng pamahalaang-lungsod ng Taguig ang pagbibigay ng tulong sa mga residente ng ilang barangay mula sa Makati City na bahagi na ng lungsod.
Ang hakbang ay alinsunod at pagtalima sa pinal na desisyon ng Korte Suprema ukol sa naging agawan ng “teritoryo” ng dalawang lungsod.
Sa naging desisyon, bahagi na ng Taguig City ang mga Barangay Cembo, Comembo, Pembo, East Rembo, West Rembo, South Cembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside at Rizal.
Sisimulan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang pagbibigay ng mga tulong sa mga residente ng mga naturang barangay sa pamamagitan ng pamamahagi ng Lifeline Assistance for Neighbors In-need Scholarship Program.
Ang programa ay para sa mga nagtapos ng senior high school na nagnanais mag-kolehiyo o tech voc, sa pampubliko o sa pribadong unibersidad.
Makatatanggap sila ng mula P15,000 hanggang P50,000 kada taon depende sa klase ng kanilang scholarship, na bukas sa lahat ng nagtapos ng senior high school na residente ng Taguig City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.