Private show sa NBI command conference, nakakahiya – Remulla

By Jan Escosio July 10, 2023 - 06:21 PM

Nakakahiya.

Ito ang pagsasalarawan ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa pagsasayaw ng sexy dancers sa pagtitipon ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang hotel sa Maynila noong Hunyo 30.

“Nakakahiya po itong pangyayaring ito. Hindi po namin gusto ang nangyari,” ani Remulla., na sinabi din na umaasa siya na may naidulot na leksyon ang pangyayari.

Nangyari ang “private dance show” sa fellowship ng mga opisyal matapos ang kanilang command conference.

Ibinahagi ni Remulla na napanood niya ang video ng “sexy performance” at napansin niya na may babae din ahente sa pagtitipon.

Aniya naiisip niya na kausapin din ang mga ito para alamin ang kanilang naramdaman nang mapanood ang pagsasayaw ng mga babae.

Una nang humingi ng paumanhin si NBI Director Medardo de Lemos sa insidente at aniya nagsasagawa na sila ng “internal investigation” sa pangyayari.

TAGS: NBI, private, show, NBI, private, show

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.