EO 32 ni PBBM Jr., ikinatuwa ng Globe Group

Nalugod ang Globe Group sa Executive Order No. 32 ni Pangulong Marcos Jr., dahil ang layon nito ay mapadali ang pagproseso sa mga kinakailangang permits para sa telco infrastructures.

Ayon sa Globe mapapabilis ang digitalisasyon sa bansa dahil sa utos ni Pangulong Marcos Jr., na gawing simple at madali ang pagkuha ng government permits para sa pagpapatayo ng telecommunications infrastructure.

“We are grateful to President Marcos for issuing this EO, which will allow the telco industry and the adjunct TowerCo industry to further ramp up infrastructure builds that will provide life-enabling connectivity in an equitable way across the country. This will help accelerate the country’s digital transformation and open doors for more opportunities to Filipinos in the areas of education, employment and innovation,” ani Globe Group President at CEO Ernest Cu.

Ang kautusan, na inilabas noong Hulyo 5, ay nagtatakda ng pinadaling alintuntunin sa pagkuha ng permits sa pagtatayo ng ICT infrastructure.

Nakahanda ang Globe na magbuhos ng malaking pamumuhunan sa  network infrastructure, upang  suportahan ang digital pivot na ito.

Bukod sa kagyat na mga benepisyo ng EO, nagpasalamat din ang Globe sa long-term implications ng kautusan, sa paglalagay ng one-stop shop para sa construction permits at pagpapatupad ng zero backlog policy, hinihikayat ng EO ang transparency at efficiency sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at local government units (LGUs) na may kaugnayan sa proseso.

“This EO isn’t just about expediting processes. It’s about setting the stage for a long-term, sustainable digital transformation in the Philippines. It fosters a more inclusive and competitive business environment, spurring innovation that ultimately benefits Filipinos,” sabi pa ni Cu.

Read more...