Kabawasan na P0.72 per kilowatt hour ang mababawas sa bayarin sa konsumo ng kuryente ng Meralco costumers ngayon buwan ng Hulyo.
Bunga nito, mababawasan ng P144 ang ibinabayad sa kuryente ng mga may average monthly consumption na 200 killowatt, samantalang P360 sa mga nakakakonsumo ng 500 kilowatt kada buwan.
Ang pagbaba sa halaga ng kuryente ay bunga ng pagbaba ng halaga ng kuryente na sinisingil sa Meralco, bukod pa dito ang pagbaba ng halaga ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Nabatid na bumaba din ang pangangailangan sa kuryente ng mga konsyumer dahil nagsimula nang umulan.
Matatandaan na noong nakaraang buwan tumaas ng P0.42 per kWh ang singil ng Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.