Water interruptions sa .6-M kostumer ng Maynilad, MWSS pinakikilos ni Poe

By Jan Escosio July 10, 2023 - 06:14 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Sinabi ni Senator Grace Poe na dapat ay may gawing aksyon ang  Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ukol na binabalak na water service interruptions na mararanasan ng halos 600,000 kustomer ng Maynilad simula sa bukas,, Hulyo 12.

“MWSS should not take this matter sitting down as these recurring service cuts will affect over half a million consumers,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Public Services.

Aniya hindi katanggap-tanggap ang madalas at paghaba ng oras ng pagkawala ng suplay ng tubig.

Inanunsiyo na ang mga kustomer ng Maynilad ay makakaranas ng hanggang siyam na oras ng walang tubig gabi-gabi dahil sa bumababang antas ng tubig sa Angat Dam.

Diin ni Poe dapat ay alamin ng MWSS kung nakakasunod ang Maynilad sa mga obligasyon nito base sa kanilang prangkisa.

“MWSS should be proactive. It can’t be just the bearer of bad news to consumers of Maynilad’s water cuts,” aniya.

Dagdag pa ng senadora dapat ay pinalalakas ng Maynilad ang kanilang kapasidad sa distribusyon ng tubig bunga na rin ng tumataas na pangangailangan.

Dapat aniya na isapubliko nito ang kanilang mga solusyon sa kakulangan ng tubig.

 

 

TAGS: maynilad, mwss, poe, maynilad, mwss, poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.