US planes, Chinese ships parehas na bantayan – Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio July 10, 2023 - 05:40 AM

OSIM PHOTO

Matapos ilabas nag paliwanag ng US Embassy ukol sa paglapag ng isang US military aircraft sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ibinahagi ni Senator Imee Marcos na isa naman C-17 Globemaster ng US military ang nakita sa NAIA at Palawan.

Ayon kay Marcos may mga pasahero ng commercial airlines sa NAIA ang nagbigay sa kanya ng mga larawan ukol sa US military plane noong nakaranag Biyernes.

Pagbabahagi ng senador, base sa global flight tracker ng AirNav Systems, ala-6:03 ng umaga nang lumapag sa NAIA ang C-17 aircraft ng US Air Force na may flight code MC244/RCH244 mula sa Andersen Air Force Base sa Guam.

Bago nmag-ala-1 ng hapon ay lumipad na ito patungo naman ng Palawan, bago ito nagtungo sa Fussa, Japan bago mag-ala-4 ng hapon.

“Konti lamang ang nakakaalam sa isinasagawang US military activity sa ating teritoryo habang patuloy nating pinupuna ang presensiya ng mga barko ng China sa South China Sea,” ani Marcos.

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Foreign Relations,” Dapat maging patas ang pagsubaybay sa ating maritime territory at exclusive economic zone (EEZ), gayundin ang Philippine air traffic rules at joint military agreement natin sa US.”

Panawagan lamang din niya sa  Departnent of National Defense (DND), Department of Foreign Affairs (DFA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na alamin kung may kinalaman ang mga aniya ay sikretong paglipad ng US military planes ang tensyon sa South China Sea at Taiwan Strait.

TAGS: AFP, DFA, DND, military, NAIA, plane, US, AFP, DFA, DND, military, NAIA, plane, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.