Isa patay sa salpukan ng otorsiklo at van sa Quezon

 

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos magsalpukan ang motorsiklo at van sa Brgy. San Isidro, Quezon.

 

Nakilala ang nasawi na si Cedrick Villaverde. Sugatan naman ang kapatid nito na si Ryan at isinugod sa pagamutan.

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Cedrick ang motorsiklo at angkas ang kapatid na si Ryan.

 

Iniwasan umano ni Cedrick ang isang lalaking naglalakad subalit sa kasamang palad, sumalpok naman sa paparating na van na minamaneho ni Antonio Baasis.

 

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente.

 

Read more...