“Speak Now” album ni Taylor Swift inilabas na

 

Inilabas n ani Taylor Swift ang bagong re-recording ng kanyang 2010 album na “Speak Now.”

Hindi naiwasan ng American pop star na maging sentimental nang i-post sa kanyang Instagram account ang bagong version ng album.

“It’s here. It’s yours. It’s mine, it’s ours,” pahayag ni Swift.

Sabi ni Swift, mag-isa niyang isinulat ang album noon nap uno ng pantasya, sakit sa puso, drama at iba pa.

Kabilang sa “Speak Now” album ang mga kantang “Electric Touch” kung saan feature si Fall Out Boy at “Castles Crumbling” kung saan feature si Hayley Williams.

Kasama rin sa album ang iconic hits na “Enchanted,” “Back to December,” at “Mine.”

Read more...