Kwalidad ng edukasyon sa QC paiigtingin

July 08, 2023 - 12:38 PM

 

Iaangat pa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kwalidad ng edukasyon sa lungsod.

Pahayag ito ni Belmonte matapos dumalo sa pagtatapos ng mahigit 4,000 na estudyante ng day care center sa lungsod.

Sabi ni Belmonte, gagabayan ng pamahalaang lungsod ang mga estudyante hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo.

Nasa  2,334 na kabataang mag aaral mula sa 44  daycare center ng  29 na barangay sa District 1  habang nasa 2,230 kabataan mula sa 49 na daycare centers sa District 3 sa lungsod ang nagtapos.

Hinimok din ni Belmonte ang mga magulang na ibigay ang buong suporta sa mga bata upang makamit ang kanilang pangarap.

Ang daycare centers ng QCLGU ay   pinangangasiwaan ng QC Social Services Development Department (SSDD) at libre ang lahat ng serbisyo at gamit ng mga bata dito tulad ng school supplies.

Kasama rin ni Mayor Belmonte sa graduation rites sina   Vice Mayor Gian Sotto, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Chief of Staff Rowena Macatao, at SSDD OIC Eileen Velasco gayundin sina District 3 Councilor Wency Lagumbay, Councilor Kate Coseteng at Social Services Development Department OIC Eileen Velasco.

 

TAGS: day care, education, joy belmonte, news, quezon city, Radyo Inquirer, day care, education, joy belmonte, news, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.