Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Regional Trial Court sa Calapan City, Oriental Mindoro laban sa suspek sa pamamaril sa broadcaster na si Cresenciano Bunduquin.
Ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director Paul Gutierrez, nilagdaan na ni RTC Branch 39 Judge Josephine Caranzo ang warrant of arrest laban kay Isabelo Lopez Bautista na ituturong gunman ni Bunduquin.
Nasa P120,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa kasong attempted murder, habang walang piyansaa naman para sa kasong murder.
Sabi ni Gutierrez, patunay ito na nabibigyan ng hustisya ang pamamaril kay Bunduquin.
Binarily at napatay si Bunduquin sa Calapan City noong Mayo 31.
MOST READ
LATEST STORIES