Kapasidad ng hydroelectric power plants mababawasan sa susunod na buwan
Mababawasan ng 50 hanggang 70 porsyento ang kapasidad ng mga hydroelectric power plants sa bansa sa buwan ng Hulyo hanggang sa Disyembre.
Ito ay dahil sa epekto ng El Niño.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Energy Undersecretary Rowena Guevara na sa ngayon, binabantayan ng kanilang hanay ang mga hydroelectric power plants partikular na ang Angat na may 218 megawatts na capacity, ang Kalayaan na mayroong 720 megawatts at ang Magat na may 345 megawatts at San Roque na may 435 megawatts.
Paliwanag ni Guevara, kaya binabantayan ang mga hydroelectric power plants para ma-determina kung ano ang kapasidad na mag-generate ng hydroelectric power.
Nagsagawa na rin aniya ang DOE ng simulation para malaman ang demand sa epekto ng El Niño.
Sa pagtaya aniya ng DOE, mababa ang demand ngayon na aabot lamang sa 300 hanggang 500 megawatts.
Dahil dito, wala aniyang nakikitang malaking problema ang DOE sa hydroelectric power ngayong taon.
Gayunpaman, sabi ni Guevara na base sa power outlook dahil sa El Niño ay posible magkaroon ng apat na yellow alerts – mayroong tatlong posibleng yellow alerts sa Agosto at ngayong Hulyo ay posible na mayroong yellow alert sa ikatlong linggo.
“Ngayon, ina-assume natin na aandar na iyong Ilijan by about 720 megawatts – iyan iyong ating ginagawa muna,” pahayag ni Guevara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.