Halos kalahati ng mga Filipino ang walang alam ukol sa Maharlika Investment Fund (MWF) base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey
Base sa resulta ng survey na isinagawa noong Marso 26 hanggang 29, 47 porsiyento ng mga Filipino ang nagsabi na wala o halos wala silang alam ukol sa MIF.
May 33 porsiyento naman ang nagsabi na may konti silang nalalaman at 20 porsiyento ang sumagot na may sapat silang kaalaman ukol sa isinusulong investment fund.
Sa mga nagsabi na may sapat silang kaalaman, limang porsiyento pa ang sumagot na malawak ang kanilang kaalaman at 15 ang sinabi na sakto lang ang kanilang nalalaman.
May 51 porsiyento ang nagsabi na konti o walang magiging pakinabang sa Pilipinas ang pondo.
Sa nagsabing may magiging pakinabang ang MIF ay 46 porsiyento.
Ngayon, ang pagiging batas o hindi ng MIF bill ay nasa kamay na ni Pangulong Marcos Jr.