Sobrang terminal leave pay ng dating PCO employees binawi

By Chona Yu July 06, 2023 - 06:56 PM

Nabawi na ng Presidential Communications Office (PCO) ang sobrang naibayad para sa terminal leave ng mga dating empleyado.

Ibinahagi ito Sec. Cheloy Garafil matapos magpalabas ng Audit Observation Memorandum ang Commission on Audit (COA) na nagkaroon ng overpayment sa Terminal Leave Benefits ng mga separated officials at employees na aabot sa P26.7 milyon.

Ayon kay Garafil, matapos matanggap ang AOM, agad na gumawa ng hakbang ang PCO para mabawi ang mga sobrang bayad.

Sabi ni Garafil, nasa P824,625 na ang nabawi mula sa 38 na separated personnel at naibalik na ang halaga sa Bureau of Treasury.

Pitong separated personnel naman aniya ang nangako na ibabalik ang sobrang bayad na aabot sa P203, 956.

Ukol naman sa incomplete documents, sinabi ni Garafil na nagsumite na ang Human Resource Development Division ng Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALNs) sa COA.

Tiniyak naman nito na walang administrative cases o nakapending na imbestigassyon na kinakaharap ang mga dating opisyal at empleyado ng PCO at aniya patuloy na tatalima ang kanyang tanggapan sa mga regulasyon ng COA.

TAGS: leave, overpayment, pco, leave, overpayment, pco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.