Healthcare workers takot sa pagkawala ng allowances sa pagbawi ng state of health emergency

INQUIRER FILE PHOTO

Nagpahayag ng pangamba ang healthcare workers na maputol na ang tinatanggap na allowances kapag binawi na ni Pangulong Marcos Jr., ang idineklarang state of public health emergency dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay may tinatanggap na Health Emergency Allowances ang mga tumitingin sa mga pasyente na may COVID 19.

Sinabi ni Ronald Ignacio, ang tagapagsalita ng United Private Hospital Unions of the Phils. (UPHUP) na kulang ang allowances at marami pang healthcare workers ang hindi nakakatanggap.

Ayon naman kay UPHUP lead convener Rene Capito dapat ay tiyakin ng gobyerno na magpapatuloy ang pagbibigay ng HEA kahit bawiin na ang deklarasyon.

Katuwiran niya tatlong taon nang may napapaghugutan ng pondo kayat maari pa rin maipagpatuloy ang pagbibigay ng HEA.

Una nang sinabi ni Health Sec.Ted Herbosa na maaring bawiin na ni Pangulong Marcos Jr., ang deklarasyon, na naging epektibo noon pang Marso 2020.

 

 

Read more...