“WOW, It’s more fun! Love, the Philippines!” – Sen. Lito Lapid

By Jan Escosio July 06, 2023 - 03:19 PM

INQUIRER PHOTO

Sa gitna ng kontrobersiya na nilikha ng bagong ‘Love the Philippines” campaign video ng Department of Tourism (DOT), nagbigay ng suhestiyon si Senator Lito Lapid na sa kanyang palagay ay maaring magtuldok sa kontrobersiya.

Inirekomenda ni Lapid ang bagong tourism slogan na “WOW, It’s more fun! Love, the Philippines!”

Ito ay ang pinagsama-samang  mga dating slogan ng DOT ng bansa kung saan ang “Wow Philippines” na sumikat din noon ay kay dating Tourism Sec. Dick Gordon, ang “It’s more fun in the Philippines”ay  kina dating Tourism Secs. Ramon Jimenez ar Bernadette Romulo-Puyat at ang bagong slogan na “Love the Philippines” ay kay Tourism Sec. Christina Frasco.

Naniniwala si Lapid na kapag pinagisa ang mga slogan na ito ay mas lalakas pa ang turismo sa Pilipinas.

Kasabay nito ang pagdepensa ni Lapid kay Frasco sa mga batikos matapos lumabas ang kontrobersyal na promotional video na ang ilang mga kuha ay sa ibang bansa  at hindi sa Pilipinas.

Ayon sa senador wa;a siyang nakitang malisya o layuning lokohin ang mga tao sa ginawang video dahil ito ay para lamang muna sa mga opisyal ng DOT at iba pang internal stakeholder at hindi pa talaga ito pampubliko.

TAGS: campaign, dot, tourism, video, campaign, dot, tourism, video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.