Pilipinas gusto ni PBBM na maalis sa “grey list” sa money laundering

By Chona Yu July 06, 2023 - 01:22 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Inatasan ni Pangulong  Marcos Jr. ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na ipatupad ang bagong istratehiya kontra sa money laundering at terrorist financing.

Base sa Executive Order No. 33, kailangan sundin ng lahat ng ahensiya ang  istratehiya ng  National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing at Counter Proliferation Financing Strategy 2023-2027.

Layunin ng EO na matugunan ang International Cooperation Review Group (IGRG) Action Plans, matiyak na maalis ang Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) Grey List, at mapalakas ang anti-money laundering, counter terrorism financing, at counter proliferation financing (AML/CTF/CPF) sa pamamagitan ng paggamit ng naturang istratehiya.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang EO noong Hulyo 4 at sa  ilalim nito binibigyan ng dagdag na kapangyarihan ang AML/CTF/CPF na mag-reorganisa ng kanilang sub-committee.

Pinatututok din ng Pangulo ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

TAGS: counter terrorism, Money-Laundering, counter terrorism, Money-Laundering

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.