DepEd magkakasa ng National Learning Camp para sa learning recovery program
Magsasagawa ang Department of Education (DepEd) ng National Learning Camp (NLC) ngayon bakasyon sa eskuwela.
Sa pahayag ng kagawaran, alinsunod ang NLC sa National Learning Recovery Program (NLRP) ng MATATAG Basic Education Agenda,
Layon naman ng NLC na mapagbuti pa ang paraan ng pagtuturo ng mga guro at ito ay magsisimula sa Hulyo 24 hanggang Agosto 25.
Ayon pa sa DepEd ang NLC ay isang voluntary program at ang unang pagkasa ay sa Grades 7 at 8 at nakasentro sa English, Science, at Mathematics.
Nilinaw din na ang mga paaralan ay maari din magsagawa ng NLC sa Reading at Mathematics para naman sa Grade 1 hanggang Grade 3.
Ang mga dadalo sa NLC ay maaring mamili ng isa sa Enhancement Camp, Consolidation Camp, o Intervention Camp.
Samantalang ang makikibahaging mga guro ay bibigyan ng vacation service credits, certificate of recognition, at iba pang insentibo depende sa itinakdang alintuntunin at pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.