Angat Dam water level malapit na sa kritikal

By Jan Escosio July 06, 2023 - 10:54 AM

FILE PHOTO

Sa kabila nang mga naranasan na pag-ulan ng ilang araw, patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam, ayon  sa National Water Resources Board (NWRB).

Nabatid na dalawang metro na lamang ang ibaba ng antas ng tubig sa Angat Dam, ito ay nasa kritikal na antas na.

Ang critical level ay 180 metro at hanggang kahapon ito ay nasa 181.22 metro na.

Sinabi ni NRWB executive director Sevillo David Jr. ang pagbaba ng tubig ay hindi pa epekto ng El Nino yet.

Sabi pa ni Sevillo na wala pang pagbabago sa alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam ngunit tiyak na magbabago ito kapag bumaba na sa critical level ang antas.

Dagdag pa ni Sevillo, kapag nangyari ito ay mababawasan ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon dahil ang prayoridad ay ang pangangailangan sa tubig ng Metro Manila.

 

 

TAGS: Angat Dam, NCR, NWRB, Angat Dam, NCR, NWRB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.