Sa Mexico, 27 patay sa nahulog na bus sa bangin

By Chona Yu July 06, 2023 - 09:56 AM

Namatay ang 27 katao matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa Oaxaca, Mexico.

Kinabibilangan ng 13 lalaki, 13 babae at isang lalaking sanggol ang mga nasawi.

Isinugod naman sa ospital ang 21 sugatan kung saan 12 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nabatid na  galing sa Mexico City at patungo sana sa Yosondua ang pampasaherong nang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela at dumiretso sila sa bangin.

TAGS: bus, Mexico, passenger, bus, Mexico, passenger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.