Umaasa si Senator Christopher Go na maipagpatuloy ng administrasyong-Marcos Jr., ang mga programa na magpapabuti sa kabuhayan at katayuan ng mga mahihirap na Filipino.
Ito naman anjya ay nakasaad sa Philippine Development Plan 2023 – 2028.
“Ilapit po natin sa mga kababayan natin lalong-lalo na po mga mahihirap. Marami pong mga kababayan natin ang mahihirap, sila po ang nangangailangan ng gobyerno. ‘Yung mga helpless, hopeless nating mga kababayan. Tulungan po natin sila. Basta uunahin ko parati ang makakatulong sa mahihirap, uunahin ko parati ang interes ng bayan, interes ng mga kababayan nating mahihirap,” ani Go.
Dagdag pa nito, may mga magandang nasimulan ang nakalipas na admistrasyong-Duterte at umaasa siya na bukod sa maipapagpatuloy ay madadagdagan pa ang mga maayos na programa.
Kasabay nito, tiniyak ni Go ang kanyang suporta sa kasalukuyang administrasyon.
“So far, so good naman po. Ang importante dito ay maipagpapatuloy ang magagandang programa na naumpisahan po ni dating pangulong Duterte at ilapit po natin ang serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayan, lalo na yung pangkalusugan,” wika ng senador ukol sa unang taon ng termino ni Pangulong Marcos Jr.