Binay sa DOT: Kalimutan na ang “Love,” ibalik ang “Fun”

By Jan Escosio July 06, 2023 - 07:10 AM

Masyadong naging negatibo sa mata ng mundo ang kontrobersiya sa promotional video ng Department of Tourism (DOT) para sa bagong slogan na “Love the Philippines.”

Ito ang sinabi ni Sen. Nancy Binay at aniya bumaha na sa social media ng “memes” mula sa netizens kayat sobrang naging katawa-tawa ang naturang slogan.

“We need to accept that it really happens—marketing campaigns fail. In DOT’s case, it’s best to move forward from failure and save the brand at all costs. We cannot afford to put to waste everything that we built for Philippine tourism. Let’s do the right thing to protect the integrity of the brand,” pagdidiin ni Binay.

Dagdag pa niya: “Tourism is a sensitive market. Political unrest, negative media and people’s perceptions influence travelers’ decisions. Dahil nga sa nangyari, headline na tayo sa buong mundo. Naging laughing stock na ang slogan, at masyado nang tinamaan ang campaign. Nakakalungkot dahil sa unang tapak pa lamang, imbes na umarangkada ay umatras tayo.”

Ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Tourism, sa kanyang palagay, hindi na dapat ipilit ng DOT ang “Love the Philippines” bunga ng negatibong epekto ng promotional video.

“Kung meron pang ilalabas na TVC ang DOT, it is not wise to gamble dahil inaabangan na ng netizens ang susunod na ‘Love’ iterations para gawan ng spoof. Ang recommendation is to revert to the tried-and-tested campaign, and from there gumawa na lang ng tactical marketing plan para maiwasan ang window na isabotahe,” aniya.

Makakabuti aniya na matatanggap ng DOT na hindi na huwag nang ipilit ang slogan upang hindi maging kahiya-hiya ang Pilipinas.

“Again, huwag nang ipilit. Hindi masama ang magkamali. LOVE was not meant to be. Let us all move on and just bring back the FUN to the Philippines,” pahabol pa ni Binay.

TAGS: dot, Memes, video, dot, Memes, video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.