Maharlika Investment Fund bill tinanggap ng Malakanyang

Natanggap na ng  Malakanyang ang kopya ng panukalang batas na Maharlika Investment Fund bill.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Operations Secretary Cheloy Garafil.

Ayon kay Garafil, ang Office of the Deputy Secretary for Legal ang tumanggap ng Maharlika bill, kahapon, Hulyo 4.

Layunin ng panukala na gamitin ang state assets para ipuhunan at makalikom ng dagdag na pondo ang gobyerno.

Hindi naman tinukoy ni Garafil kung kailan lalagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang Maharlika bill para maging ganap na batas o kung ito ay kanyang ibe-veto.

Read more...