Bahay Pag-Asa ng Las Piñas LGU kinilala ng DSWD

By Jan Escosio July 05, 2023 - 01:09 PM

LAS PINAS PIO PHOTO

Inanunsiyo ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar na iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Level II Certificate of Accreditation  sa kanilang Bahay Pag-asa, isang youth center ng lungsod.

Pagbabahagi pa ni Aguilar na tanging ang Las Piñas lamang sa mga lokal na pamahalaan sa katimugang Metro Manila ang nakatanggap ng Level II accreditation mula sa DSWD.

Sa sulat na pinadala kay Aguilar, ipinabatid ng DSWD ang kumpletong pagtalima ng lungsod tukol sa kanilang mga rekomendasyon ng assessment sa center na isinagawa ng kanilang technical staff  noong nakaraang Pebrero 9 at 10.

Bukod sa alkalde, ipinadala din ni Atty. Megan Therese Manahan, Director IV, DSWD Standards Bureau ang sulat kay Lowefe Romulo, ang officer-in-charge ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Paliwanag pa ni  Aguilar na inisyu ng DSWD ang Level II Certificate of Accreditation sa Bahay Pag-asa matapos masungkit ang perpektong 290/290  puntos ng Level I application at  nakamit ang mga  requirement para sa Level II Accreditation na may  123/150 puntos katumbas ng 82 porsiyento.

Aniya batay sa  DSWD ang inisyung sertipiko sa Bahay Pag-asa ay valid ng limang taon at at ilalagay sa isang bahagi ng center.

Bilang bahagi ng DSWD Reportorial Requirements, hiniling nito sa lungsod na magsumite ng Annual Accomplishment Report kasabay ng paghikayat sa center na panatilihin ang pagkakaloob ng dekalidad na mga serbisyo dahil tuluy-tuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga ipinapatupad na programa sa panahon ng validity ng Accreditation Certificate.

Pagbibigay diin ni Aguilar na ang mga bata ay malapit sa panganib at ang mga nasangkot sa paglabag sa batas na nasa pangangalaga ng center ay tumatanggap ng iba’t ibang mga serbisyo tulad ng pang-edukasyon, pang-ispirituwal,gardening at iba pa.

Idinagdag pa ng alkalde na ang mga nakadestinong social workers sa center ay masigasig sa kanilang trabaho para pangalagaan ang mga nasabing kabataan na nalalapit nang tanggapin o manumbalik sa komunidad.

TAGS: center, dswd, las pinas, center, dswd, las pinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.