Umangat pa sa P14.10 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang noong nakaraang Mayo, ayon sa Bureau of Treasury (BOT).
Ang halaga ay mataas ng P1.3 porsiyento o katumbas ng P185.40 bilyon noong nakaraang Abril.
Nabatid na sa kabuuang halaga, 68 porsiyento ang utang pangloob, samantalang 32 porsiyento naman ay “external borrowings.”
Lumubo sa P9.59 trilyong ang domestic debt, na mataas ng 1.4 porsiyento sa pagtatapos ng Abril.
Bunga ito ng pagpapalaba ng government securities at pagbaba ng halaga ng piso kompara sa dolyar ng Amerika.
Samantala, ang utang panglabas naman ng Pilipinas ay P4.51 trilyon na tumaas ng 1.2 porsiyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.