Bawal na ang unhealthy food sa mga meeting sa Quezon City.
Ito ay matapos magpalabas ng kautusan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na nag-aatas sa lahat ng barangay na bawal nang gumastos sa pondo ng lokal na pamahalaan para ipangbili sa unhealth food.
Sabi ni Belmonte, ang naturang hakbang anya ay nakasaad sa healthy public food procurement policy na pinatutupad sa lungsod.
Nakasaad sa naturang polisiya na walang pondong magagastos ang mga tanggapan sa QC Hall at mga barangay sa pagbili ng mga pagkain na ihahain sa kanilang mga pagpupulong kundi masustansiyang pagkain lamang tulad ng nilagang saba, kamote at iba pang healthy food.
Ikinatuwa naman ni Belmonte ang pagsunod ng ilang barangay sa naturang polisiya.
Ang bagong polisiya sa QC ay bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng mga QCitizen na nagkakasakit sa hypertension, diabetis at sakit sa puso na pangunahing dahilan ng pagkakasawi ng mga tagalungsod