Unhealthy food bawal sa mga meetings sa QC

By Chona Yu July 04, 2023 - 03:40 PM

 

Bawal na ang unhealthy food sa mga meeting sa Quezon City.

Ito ay matapos magpalabas ng kautusan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na nag-aatas sa lahat ng barangay na bawal nang gumastos sa pondo ng lokal na pamahalaan para ipangbili sa unhealth food.

Sabi ni Belmonte, ang naturang hakbang anya ay nakasaad sa  healthy public food procurement policy na pinatutupad sa lungsod.

Nakasaad sa naturang polisiya na walang pondong magagastos ang mga tanggapan sa QC Hall at mga barangay sa pagbili  ng mga  pagkain na ihahain sa kanilang mga pagpupulong kundi masustansiyang pagkain lamang tulad ng nilagang saba, kamote  at iba pang healthy food.

Ikinatuwa naman ni Belmonte ang pagsunod ng ilang barangay sa naturang polisiya.

Ang bagong polisiya sa QC ay  bunsod na rin ng pagtaas ng  bilang ng mga QCitizen na  nagkakasakit sa hypertension, diabetis at sakit sa puso na pangunahing dahilan ng pagkakasawi ng mga tagalungsod

 

 

TAGS: joy belmonte, news, quezon city, Radyo Inquirer, joy belmonte, news, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.