Pilipinas magiging malaria free sa susunod na 2-3 taon

By Chona Yu July 04, 2023 - 03:29 PM

 

Magiging malaria free na ang Pilipinas sa susunod na dalawa o tatlong taon.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, sa ngayon, tanging ang Palawan na lamang ang may kaso ng malaria.

Pero ayon kay Herbosa, maliit na kaso na lamang ng malaria ang naitatala sa Palawan.

Kailangan kasi aniya na zero case ang Pilipinas ng ilang taon bago makapagdeklara ng malaria free.

Base sa talaan ng DOH, nasa 3,157 na kaso ng malaria na lamang ang naitala noong 2022.

TAGS: doh, malaria, news, Palawan, Radyo Inquirer, doh, malaria, news, Palawan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.