Pinuri ni Senator Ramon “Bong’’ Revilla Jr. ang Department of Tourism (DOT) ang pagbawi sa kontrata sa ad agency na gumawa ng “Love the Philippines” promotional video.
Sinabi ni Revilla Jr. na may sapat na basehan ang DOT sa ginawang hakbang sa kontrata sa DDB Philippines.
Aniya sa pag-amin ng DDB sa kanilang pagkakamali nagdulot ito ng malaking kahihiyan sa bansa.
“We are one with the Filipino people in the indignation expressed towards the shortcomings of DDB that resulted in infirmities in the recently launched campaign of the DOT,” anang senador.
Sa kontrobersyal na video, mapapanood ang tourist destinations ng ibang bansa.
Umaasa na lamang ang senador na hindi maaapektuhan ng kontrobersiya ang pagsusumikap ng DOT na pasiglahin muli ang industriya ng turismo.
“As we start to rise from the ruins of the global pandemic, let us find strength in coming together towards showing the entire world not only the beauty of our country and all its over 7,000 islands, but as well as our resilient Filipino spirit, our bayanihan, and our unity amid adversity,’’ pagpupunto ni Revilla.